
Ang layo na ng narating natin. Ang dami na nating pinagdaanan – masaya, malungkot, nakakagalit, nakapagtataka, lahat na. Lahat ng iyan pinagpapasalamat ko sa Diyos. Sa bawat araw, simula pa lang noong una tayong magkita, hindi na ako tumigil sa pagpapasalamat sa na pinagkaloob ka Niya sa akin. Parang pelikula nga, sa dami ba naman ng mga masalimuot na pangyayari sa nakaraan ng bawat isa sa atin noong hindi pa tayo magkakilala, akalain mo, nagkasundo parin tayo. Okay lang sayo yung mala-jeprox na long hair ko, at wala namang problema sa akin yung slight na pagiging kinesthetic mo. Nagkakaintindihan tayo noon eh. At masaya tayo.
Nasa Trinoma nga tayo nung una tayong magkita. Dapat eh photoshoot yun kaya lang ginabi tayo kaya gumala gala na lang tayo sa mall. Sa loob ng maraming taon ay doon na lang ulit ako nakakain sa Jollibee, yun favorite mo diba? Pagkatapos nun eh naglakad lakad pa at bumili ng hot tea sa Starbucks. Brand-loyal ka pa sa CBTL nun, kaya nung nagyaya ako mag-Starbucks eh naghesitate ka pa. Habang umiinom eh nagusap lang tayo about kay Rizal, sa quantum physics, at sa beliefs natin. Dun natin nalaman na parehas pala tayong Born-again. Gabi na tayo umuwi nun, ang tagal nating tumambay sa may parking bago nagpasyang umuwi na. Ang saya.
Naalala ko pa nga noong minsang kumakain tayo ng sumang moron sa may UP. Picture picture lang at walang humpay na kwentuhan tungkol sa DC Universe. Paganun ganun lang pero masaya. Walang oras na walang ngiti sa mga labi. Akalain mo iyon, halos isang taon na din pala ang nakalipas, ano?
Naalala ko pa noong kumakain tayo ng siomai, sa UP din. Dahil odd ang bilang ng siomai eh nagmatakaw ako biglang nagsabi ng “dibs” sabay tusok dun sa isang sobra, ibig sabihin sa akin na iyon. Nagtaka na lang ako ng bigla kang umakap sa akin, “dibs” sabi mo. Sa totoo lang, napaiyak ako ng kaunti.
Naalala ko din noong araw na nagusap tayong magkita sa Gateway. Nauna akong dumating kaya naman sinabi kong maghihintay na lang muna ako. Nagtext kang malapit ka na kaya tumawag na ako sayo para mas madali ang usapan. Nasa Fullybooked tayo noon. Naglalakad habang naguusap, nakita natin ang isa’t isa, pero hindi natin ibinaba ang mga telepono, at kahit na magkaharap ay sa telepono parin bumigkas ng “I miss you”. Sobrang kinilig tayo nun, kaya naman ginawan pa natin ng re-enactment~

Naalala ko rin noong unang beses mo akong ginawan ng Sandwich. Tatlong piraso yung at bawat isang pack ay may papel na label. Ano pa bang 3-letter-word ang nandun? Alam na. Hindi ko makakalimutan yun, kasi yung ang pinakaunang beses na may gumawa ng PB&J sandwich para sa akin. May label pa. Nasa sakin pa nga yun hanggang ngayon.
Sa bagay, lahat naman ng mga binigay mo sa akin ay nasa sakin parin hanggang ngayon: Yung pinakaunang letter mo, yung may co-factor na banat, ang tagal din namalagi sa picture-pocket ng wallet ko yun. Meron pang isa na puno ng pink doodles na sinabayan mo pa ng isang Snorlax na plushie, na hanggang ngayon eh katabi ko sa pagtulog kasama yung teddy bear na binigay mo rin.

May Project 365 pa nga ako noon. Bago ako tumigil at sumuko sa project na yun, halos lahat na ng mga last shots eh puro ikaw na, o kung hindi man ikaw yung shot para sa partikular na araw na iyon, kadalasan eh magkasama parin tayo nung nakuha ko yung shot na yun.
Bumisita ka rin sa dati kong pinagtatrabahuhan nun. Cool lang, kasi sa loob ng isang taon na pagtatrabaho ko dun, ikaw pa lang ang naging bisita ko.
Hindi ko rin maliliutan yung pinakaibang beses na kumain tayo ng isaw sa UP. Medyo alanagan pa ako nun dahil may masamang karanasan ako sa isaw. Pero tila nahuli ng UP isaw ang panlasa ko. Simula noon eh isa na yun sa mga naging paborito nating pagkain.
Nagbago na rin ako ng pananamit, salamat sayo. Hindi na ako mukhang aleng losyang na ginawang lalaki.
First time din sa buhay ko na may makasama ako na hindi mga kamaganak sa araw ng pasko at bagong taon. Mayroong kaunting salimuot ang mga araw na iyon, pero naniniwala akong mahalaga parin ang mga araw na iyon.
Para sa mga pelikulang pinanood, sa mga gamit na magkapareha, sa mga lugar na pinuntahan, sa mga bagong taong naging kaibigan, sa mga larawang magkasama, sa mga araw na sobrang daming kinain, sa mga araw na nagfasting, sa mga araw na magkasama sa worship service, sa mga terms of endearment, sa mga late night chats, sa mga awitin over-the-phone hanggang makatulog, sa mga aral na natutunan, sa mga sweet na facebook status at tweets, sa lahat lahat – pinagpapasalamat ko sa Diyos na naranasan ko ang mga ito ng kasama ka.

Sabay tayong nangarap. Sabay tayong nagbulaybulay tungkol sa mga bagay na pwede nating marating at mapagtagumpayan ng magkasama. Sabay tayong lumapit sa Panginoon. Sabay tayong nanalangin para sa isa’t isa. At naniniwala ako na hanggang ngayon, pinanghahwakan ko parin yung tugon na ibinigay sa akin ng Panginoon.
Nanalangin ako para sa isang babaeng mamahalin ko at makakasama ko na ng habang buhay at dumating ka sa buhay ko. Sa lahat ng pinanalangin ko, wala na ata akong mas maipagpapasalamat pang higit sa pagdating mo sa buhay ko.
Sa mga araw na katulad ng ngayon, kung saan malabo ang mga bagay, sana hindi mawala ang pagmamahal at pag-ibig. Sa lahat ng kasalanan na nagawa ko, sana mapatawad mo ako. Pinagsisisihan ko lahat ng mga pagkakataong hindi kita nabigyan ng sapat na pagpapahalaga. Sa lahat ng mga kamalian ko na hindi ko pilit kong ipinagpilitan, humihingi ako ng tawad. Sa lahat ng sakit na narasan mo ng dahil sa akin, pangako, gagawin ko ang lahat, mapatawad mo lang ako.
Mahal kita. Hindi naman na ito sikreto. Mahal na mahal kita at hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko.

Lord, thank You for the life of Beth. Thank You because of her existence. Thank You because You continually use her a vessel of Your blessings. Thank You because Your light shines bright in her. Thank You because through her, people experience Your love. Thank You because Your plan for her is pleasing and perfect.
Forgive me, Father, for all the hurt that I might have given her. Forgive me because I was so stubborn a lot of times and it brought her pain. Lord, forgive me.
As we go on with the next day, Lord, may your Word lead us. May the Holy Spirit be upon us. May we move according to Your plans and may Your will be done in our lives. Only you, God, knows everything. I love you, Lord, and I trust in and claim Your promises.
I bring back all the praise and glory and honor to You.
This I pray, in Jesus’s Name. Amen.